biyak na bunga
June 14, 2008

bukas, father’s day na…araw ng mga AMA…
para daw kaming magka-biyak na bunga ni tatay…hindi maikakaila na ako ay kanyang anak sabi ng mga kamag-anak at ilang mga kaibigan.
lumaki ako at ang aking kapatid na puno ng pagmamahal niya. ang aking ina ay reyna kung ituring niya.
salat man sa pamumuhay, pilit niya ibinibigay lahat ng aming mga pangangailangan. katwiran niya, gusto niya maranasan namin lahat ng hindi niya naranasan nuong kabataan niya.
hindi na nakatuntong ang tatay ko ng kolehiyo. kaya naman ang tanging nais niya ay mapagtapos kaming magkapatid. sa awa ng panginoong dyos, naka-graduate ako nuong taong 2004 at ang aking kapatid taong 2008.
si tatay ay mapag-mahal na ama. lagi mang nakakunot ang noo, ang lagi niyang nasa isip ay ang aming kapakanan. ang akala ng marami isa siyang masungit na ama. ang totoo, ubod ng lambing at npksarap magluto.
maraming beses ko na napasama ang loob ni tatay…hindi ko na mabilang sa aking daliri. hindi sa ako ay sobrang pasaway ngunit minsan si tatay ay sobra maghinanakit, konting bagay na aking pagkakamali kanya na itong dinadamdam.
iyakin si tatay…ngunit 3 beses ko siya nakitang umiyak ng sobra ng dahil sa akin.
1. nung ako mka-graduate
2. nung ako magpaalam na mangingibang bansa
3. nung magsabing ako ay mag-aasawa na sapagkat ako ay nagdadalantao
siguro, ung pangatlo ang matagal bago niya natanggap at napagtanto. alam ko masakit sa kanya yun. sapagkat ilang linggo bago niya pa ako kinausap.
ganunpaman, ang aking tatay ay tunay akong ipinagmamalaki sa lahat kahit na ako medyo sadyang pasaway.
alam ko, nung ngsabi ako na mag-aasawa na ako, ang nasa isip niyo ni nanay mawawala na ako sa inyo. hindi po ako, mawawala, nadagdagan lang ang magmamahal sa inyo.
madami man akong pasakit na naidulot sa inyo ni nanay, sana ay hindi kau magsasawang umunawa at sumuporta sa akin.
alam ko malabong mabasa ni tatay ang aking blog na ito pero gusto kong malaman ng lahat na ikinararangal kong siya ang aking AMA.
andito pa rin ako, hinding hindi makakalimot at sana sa susunod na taon magkasama tayo diyan sa pilipinas.
lagi niyo sinasabi sa akin na ako ay mahal na mahal ninyo….
TAY, mahal na mahal ko rin po kau ni NAY.



June 16, 2008 at 2:30 pm
happy father’s day to your tatay
and to your habibi…