onli in pinas…

July 10, 2008

sa samu’t saring dahilan, dito na sa UAE namin napagdesisyunan ni honey na i-deliver si baby.

to the rescue ang aming family kung sinu ang paparito upang mag-alaga / gumabay sa akin.

una syempreng choice ay ang aking mahal na ina…pero inabot ng 2 months bago pumayag.  ang dahilan, hindi niya kaya iwanan si tatay hehehe para pa rin kasing magsing-irog.

hanggang sa nakumbinsi ni tatay si tatay.  ang tanong, panu pu2nta eh ala man lang dokumento si nanay.

kaya agad-agad inasikaso ni nanay ang pagkuha ng birth certificate at marriage certificate nya sa NSO.  Ganun din ang NBI Clearance at kung anu2 pang clearances.

nakumpleto ni nanay ang kanyang papeles mklipas ang 2 weeks.

pumunta ng Manila si nanay.  Tumigil sa aking tiyahin sa Pasay, kung saan walking distance lamang sa DFA.

Pagpunta niya sa DFA, tinatakan ang kanyang passport application at pinapabalik siya after 5days.  (nakakataas ng kilay)

after 5days, bumalik si nanay sa DFA na kumpleto ang papeles.

pero sa hindi malamang dahilan, denied ang kanyang application.  kelangan daw ng BIRTH CERTIFICATE ng kanyang mga anak (kami – a kaming anak) na may pirma niya.

dali-daling ngsend ng text sa akin si nanay.  tinawagan ko naman siya agad.  checked ko sa aking birth certificate kung meron nga siyang pirma ngunit ala ako makita.

ganunpaman, pumunta si nanay sa NSO para kumuha ng birth certificate naming magkapatid.  Nakuha rin nya agad ngunit ala siyang pirma sa mga papel na iyon.

alam ko pagod na si nanay.  pabalik-balik siya sa DFA.  Nagbigay siya ng iba ID – Postal ID pero hindi daw valid ID ang Postal.

natapos ang 2weeks nya s Manila pero hindi siya nabigyan ng Passport.  Umuwi siya ng probinsya nang hindi nakakuha ng passport.

ayon sa kanyang text kanina umaga, pu2nta sila ni tatay sa Tugeugarao upang dun mg-apply ng passport.

haist…sana naman maayos ni nanay.  sa mahal gn pamasahe sa pilipinas ngaun, mahirap yung pabalik – balik ng ala linaw kung anu ba talaga ang kelangan papeles…

***

ganun din ang istorya ng nobya ng aking kapatid.  kumpleto siya ng papeles simula sa birth certificates (NSO), diploma, transcript of records, Employment ID, SSS ID at NBI Clearance…

sa huli denied ang pobreng bata.  Nang magtanung anu ang kulang niya…ang isinagot ng DFA Employee – COLLEGE YEARBOOK at OLD ID!

requirements na pala ngaun sa pagkuha ng passport ang YEARBOOK.

bumalik siya na dala ang OLD ID – HIgh School ID.  Pinagtawanan siya at sinabing aanhin daw nila ang OLD ID?

***

paano po tayo aassenso – ang pilipinas kung mismong kapwa natin sa pinas ay manloko ng kapwa ang gawin? 

Leave a Reply